ANO ANG FINAL PAY, SEPARATION PAY AT BACK IN CLEAR EXPLANATION IN TAGALOG

 ANO ANG FINAL PAY, SEPARATION PAY AT BACK PAY?

Kung ikaw ang inalis sa iyong trabaho, o balak mo man magresign sa iyong pinagtatrabahuhang kumpanya, tama ang napuntahan mong website ipapaliwanag ko sa inyo kung ano ang maaari niyong makuha sa inyong company kung kayo ay magreresign na o tinanggal sa inyong pinagtatrabahuhan na company.

Marami pa rin sa mga nagtatrabaho lalo na sa mga bago palang na empleyado ang hindi alam kung ano ang mga benefits at mga karapatan nila habang nagtatrabaho sa kahit anong mang kumapnya. Kailangan mo itong malaman para maiwasan ang pag-abuso sa iyong karapatan bilang employee.


FINAY PAY: Ibinibigay ito sa mga empleyado na nagresign sa isang company, dapat dumaan ka sa proseso ng pagreresign. Tanadaan, dapat magpasa ka ng resignation, magrender ng 30 days at magclearance.

SEPARATION PAY: Ibinibigay ito  sa mga empleyado na aalisin sa trabaho pero hindi kasalanan ng empleyado. Isang halimbawa nito ay kung mag-aalis ng mga empleyado ang mga kumapanya dahil iniiwasan nila ang pagkalugi at hindi na kaya pang magpasweldo ng mga empleyado. Pangalawang halimbawa ay kung maglalagay ng artificial intelligence o automated system ang isang company kung saan hindi na nila kailangan ng maraming manpower sa company. Pangatalo ay kung ikaw ay nagkaroon ng kapansanan o karamdaman  at hindi mo na kayang magtrabaho pa dahil sa sakit mo na ito.

BACKPAY: Ito ay ibinibigay  sa mga empleyado na illegal na tinanggal sa serbisyo o kaya naman ay pormal na nagsampa ng kaso sa DOLE ang isang empleyado at naipanalo niya ito. 


TIPS: Palaging po tayong sumunod sa rules and regulations ng company dahil may karapatan po silang putlin ang ating kontrata kung may mallabag po tayong alituntunin ng kanilang company.







Comments

Popular posts from this blog

PAANO MAGRESIGN NG FLAWLESS SA TRABAHO

Iba't ibang uri ng henerasyon