Iba't ibang uri ng henerasyon
Bawat segundo,minuto at oras oras ay may mga isinisilang na tao sa ating mundo, pero alam niyo ba na kaakibat ng pagsilang ng mga tao ay nakapaloob tayo sa iba't ibang uri ng henerasyon. Ang aking tinutukoy ay kagaya ng mga Silent Generation, Baby Boomers, Generation X,Generation Y, at Generation Alpha.
IBA'T IBANG URI NG HENERASYON
1.) Silent Generation: Ipinanganak noong 1928 - 1945, sa kabila ng tawag sa kanila na Silent Generation, sila ay lumaki sa panahon ng Digmaan, tinatawg din sila bilang rebellious generation. Ang mga katangian ng mga taong napapabilang sa Silent Generation ay ang mga sumusunod.
* Sila ay mga tradisyunal na mga tao.
* Masisikap at masisipag sa buhay
* Mayroon mataas na paninidigan
*Mataas sa paglilingkod at mataas ang pagrespeto sa otoridad.
*Masinop at hindi bulagsak pag dating sa pera.
2.) Baby Boomers: Ipinanganak noong 1944 - 1964, sila ay mga nasa edad na 56 to 76 years old sa panahon natin ngayon, kaya sila tinawag na baby boomers dahil ipinanganak sila matapos ang world war II. Noong panhaon na iyon ay sobrang dami ang ipinanganak na sanggol sa buong mundo, umabot ito sa halos 77 million ang ipinanganak na sanggol sa US pa lamang. Dahil sa malaking bilang ng baby boomers ay umangat ang ekonomiya kya tinawag din silang maimpluwensyang henerasyon sa ekonomiya. Sa kabila ng katangian nilang may pagka tradisyunal din ay ang mga baby boomers ay nakaksunod sa pag-usad ng teknolohiya at 90 porsyento sa mga baby boomers ay may facebook account.
3.) Generation X or Gen X : Ipinanganak noong 1865 - 1980, sa mga taong sakop ng Genx lalo na ung mga isinilang noon 1970's hanggang 1980's ay tinatawag din LATCHKEY GENERATION o henerasyon ng mga hindi gaanong nasubaybayan o nabantaya ng kanilang mga magulang dahil sa mga sumusunod.
1.) Tumaas na divorce rate or pagkabroken family
2.) Nagtatrabaho ang mga magulang sobrang abala kaya hindi naalagaan ang kanilan mga anak.
*Dagdag sa GEN X ay ang mga taong ipinanganak noong 1980's hanggang 1990's at sila ay tinatawag ding MTV Generation.
*Ang GENERATION X din ay ang mga taong nakapagbasa ng newspapaers, magazine, nakinig sa radio at digitaly savy.
4.)Generation Y (Millenilas) - 1981 - 1996, sa kanilang panahon ay lumaganap at sumigabo ang internet,
karamihan sa mga millenials ay anak ng mga Baby Boomers at early Gen X. Ang mga Millenials namn ay ang mga magulang ng Generation Alpha.
5.) Generation Alpha: Sila ang mga ipinanganak sa 21st century, tinatawag din silang Alpha kids, ayon sa mga eksperto ay ipinanganak ang unang alpha child ay ipinanganak noong 2010 at ang huli ay ipapanganak sa taong 2025. Ang mga Alpha kids ay ang siyang nangunguna sa panahon natin ngayon sa tinatawag na artificial intelligence, the internet of things, advance robotics at ang 5g framework.
_______________________________________________________________________________
GENERATION Z IS NOT MILLENIALS
Madalas napagkakamalang MILLENIALS ang GENERATION Z pero base sa latest na pag-aaral, lumabas na hindi talaga sila magkatulad.
Ang GENERATION Z ay ang mga taong ipinanganak noong 1996 at nasa edad na 24 years old na ngayon at sila ang mga taong itnuturing na pinaka-unang henerasyon na 100 percent Digital Native.
Ayon sa paga-aral ng Acumen Strategy Consultants mismo sa ating bansa na pinamagatan nilang "GROWING UP GENZ A PORTRAIT OF A FILIPINO TEENS" ay pinatunayan nila na hindi naman talaga pwedeng tawagin pang Millenials ang mga Generation Z dahil maraming bagay ang hindi pareho sa henerasyon na ito.
Ang Generation Z ay ang henerasyon mas higit na mas malaki ang bilang kaysa sa mga millenials, ipinanganak sila noong 1996 at mga 24 years old an sial sa panahon natin ngayon. Mahigit sa kalahting porsyento ng GEN Z ay naniniwala na ang first job nila ay sa pamamagitan ng digital o social connections.Ang GEN Z ay ang henerasyon na 100 percent DIGITAL NATIVES. Tinatawag din na CENTENNIALS ang GENERATION Z at ang oldest GEN Z ay nagsisipagtrabaho na.
Lumabas pa sa kanilang pag-aaral na ang digital life ng mga Gen Z ay halos kasing halaga na ng kanilang hininga, yung tipong sobrang nanlulumo at nalulungkot sila kung mawawala sa tabi nila ang mga gadgets na ginagamit nila sa pang- araw araw nilang buhay, dahil na ito sa pagiiging DIGITAL NATIVES nila at kasama na nila ito sa kanilang buhay mula ng ipanganak sila sa mundong ito.
Masasabing malawak ang mundo ng mga GEN Z dahil sila ay globally connected, may mga kinabibilangan silang groups at networks na inaasahan nila susuporta sa buhay nila at syempre nagagawa nila ito dahil sa digital technology, marami silang activities online.Maraming nakukuhang kaalaman at kasanayan ang mga GEN Z sa digital world na higit pa sa natututunan nila sa paaralan. Ang mga GEN Z ay expose sa iba't ibang mga topics at natututo sila at nakakakuha ng mga information sa pamamagitan ng google, at social media gaya ng facebook, twitter, instagram,youtube. tik tok at iba pa.
Ang mga Generation Z ay natuklasang mabilis magkaroon ng interest sa mga bagay bagay ngunit mabilis din silang mawalan ng gana sa lahat ng ito. Ang gusto nila ay nakukuha agad ang ano mang kagustuhan nila at mga impormasyon na gusto nilang makuha, kung magtatagal ito ay hindi na nila ito bibigyan ng pansin dahil kung gaano sila kabilis maging interesado sa mga bagay ay ganun din sila kabilis mawalan ng interest o magasawa sa mga ito.
Malakas ang loob nila na magsabi ng nararamdaman at ipost ito sa social media, aware sila sa mga likes, comments, share at follows sa kanilang iba't ibang social media accounts. Ginagamit nila ang social media para maipahayag ang sarili at makapagbigay ng impact sa iba. Ayon sa pag-aaral ay 38 percent ng GENERATION Z ay naieexpress ang kanilang sarili sa pamamagitan ng social media.
Comments
Post a Comment