MINDSET NA KAILANGAN NG BAWAT PILIPINO SA PANAHON NG PANDEMYA
Ano ang mindset na kailangan ng mga Pilipino ngayong panahon ng krisis sa Covid -19 pandemic?
Patuloy na tumataas ang bilang ng mga Pilipino na nakakaranas ng depression mula ng magpatupad ng mga lockdown sa iba't ibang bahagi ng bansa dahil sa Covid-19 pandemic. Maraming tao ang nasisiraan na ng loob at nawawalan ng pag-asa dahil pumapasok sa sa isipan nila na wala silang magiging kinabukasan, marami sa kanila ay mga studyante.
May mga magulang na nawalan ng trabaho at hirap humanap ng ibubuhay sa kanilang mga anak, lumobo ang bilang ng mga nawalan ng permanenteng trabaho sa pandemya na ito. Sa panahon ng krisis ano nga ba ang dapat gawin nating mga Pilipino para maipagpatuloy ang buhay natin?
Isa isahin nating ang mga bagay na pwede gawing mindset ng bawat isa para makasurvive tayo sa krisis na hinaharap hindi lang ng ating bansa kung hindi ng buong mundo.
1. Mamuhay ng simple - Isang magandang halimbawa nito ay ung hwag ng gumasstos sa mga bagay bagay na hindi namna kailangan o pangunahing pangagailangan pra mabuhay, halimabwa nito ay ung paghahanda ng magarbo sa isang birthday, wala namn masama kung may pera naman talaga ang pamilya mo o my naipon kang pera bago pa magkaroon ng pandemic, pero ilagay mo sa isip mo na kahit anong dami ng pera mayroon pa kayo lahat yan madaling maubos pag hindi tama ang paggasta. Hindi natin masasabi kung hanggang kailan ang itatagal ng krisis na ito maaring taon pa ang itagal at kung patuloy pa din ang pamumuhay mo ngayon gaya sa panahon na wal pang covid - 19 ay sigurdong mauubusan ka ng pera.
2. Lahat dumaranas ng krisis - Isipin mo na hindi lang naman tayo at ikaw lang ung dumaranas ng pandemic na ito, hindi ka nagiisa, oo mahirap mawalan ng trabaho pero sigurdong may kakayahan ka at kaalaman ka na pwede mong mapakinabangan sa mga oras na ito. May mga artista na pinasok na din ang online selling may piloto na nagbenta ng pares, flight atendant na nagonline selling din at iba pang taong na gumgawa ng paraan sa buhay. Sa panahon ngayon walang entitled na tao lumagay na tayo sa practical pag d tyo gumawa ng paraan sa buhay natin at inuna ang hiya mas mamatay tayo sa gutom, wala namn nkakhiya sa isang trabaho basta marangal ito at walang kang nilolokong tao.
3.) Time to make bond to your family - Kung may positibong bagay ang covid 19 sa buhayng mg Pilipino ay masasabing ito yung pagkakaroon ng oras natin sa ating pamilya. Dahil nakaktakot lumabas labas dahil sa banta ng covid 19 aynagakroon tayo ng pagkakaton para makipgkwentuhan at makiagbonding sa ating pamilya, karamihan kasi sa atin dahil sobrnag busy sa buhay at pagtatarabaho nawalan tayo ng oras sa ating pamilya may pagkakaton pa nga pag uwi mo sa bahay tulog na agad dahil sa sobrang pagod. Kung nanghihina at nawalan ng pagasa magusap usap kayo ng pamilya mo gumawa kayo ng mga strategies na maari niyong gawin para kumita ng pera at maksurvive sa araw araw, siguradong makakaisip kayo ng paran at magiging diskarte nyo dahil ang ang isang pamilyang nagtutulungan ay siugaradong matatawag na isang matatag na pamilya.
4.) Lahat ng bagay ay may katapusan- Alam mo ba ang pandemya noon na sars na naminsala noong taong 2003 ay wala namn din naging gamot para sa rito? Ang malaking tanong mo siguro ay eh paano natapos ang sars noonEto ang sagot ko sayo kaibigan, ang SARS ay hindi nagamot, oo hindi nagamot at wala din naging vaccine ang sars. Natapos ang pandemyang ito dahil sa patuloy lang na pagsunod ng mga tao sa mga alituntunin ng bawat bansa. Hanggang sa lumipas ang panahon ay unti unti itong nawala at gumaling ang kahuli hulihang tao na nagkaroon ng sars.
Ang pinaka pinupunto ko dito sa topic natin for today ay kung gaano man kabigat at kawalan ng pag-asa ang nararamdaman mo sa mga oras na ito ay wag kang susuko dahil hindi natin masasabi kung anong mangyayari bukas at sa hinaharap. Ipagpatuloy mo pa din ang buhay dahil sa sa huli lahat ng pagtitiis mo siguradong may kapalit na tagumpay at ginahawa.
Comments
Post a Comment